^

Police Metro

Bagets dedo sa biro

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Buhay ang naging kabayaran nang pagbibiro ng isang 18-anyos na binata matapos siya ay saksakin ng boardmate na  napikon sa biro nito na pagpatay ng ilaw sa banyo kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si John Michael Buagas, dahil sa tinamong saksak sa kilikili, tubong Tuguegarao, Cagayan. Habang ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Ronald Lampines.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-7:20 ng gabi sa inuupahang kuwarto ng biktima at suspek sa #1228 Lourdes St., Fatima Subdivision, Barangay Zapote ng naturang lungsod ay nag-iinuman ang mga ito kasama ang pinsan ng biktima na si Christopher Lubugin, 23.

Tumayo si Lampines para magbanyo, subalit sumunod ang biktima at pinatay ang ilaw na ikinagalit ng una.

Nagkaroon ang da­lawa nang mainitang pagtatalo hanggang sa nakakuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa kilikili ng ilang ulit.

vuukle comment

BARANGAY ZAPOTE

BATAY

CHRISTOPHER LUBUGIN

FATIMA SUBDIVISION

JOHN MICHAEL BUAGAS

LAS PI

LOURDES ST.

RONALD LAMPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with