^

Police Metro

TRO sa beripikasyon ng mga lagda ng petitioners sa Bulacan recall election

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inilabas kahapon ni Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 83 Judge Guillermo Agloro ang temporary restraining order (TRO) na pumipigil sa pagpapatuloy ng verification ng mga lagda sa  petisyon para sa recall election laban kay Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado dahil sa premature ang naging pagdulog ng huli sa korte.

Kasabay nito, nag-utos naman ang Office of the Deputy Executive Director for Operations ng Comelec na agad nang ipagpatuloy ang verification.

Kung mayroon mang depekto sa pagpapalabas sa mga pahayagan ng  Comelec resolution na nagpapahintulot sa verification tulad ng argumento ni Alvarado, pinuna ng hukuman na isinaad  ng Comelec na maaaring solusyunan ito oras na matapos ang verification at mapatunayang supis­yente ang petisyon.

Ayon sa hukuman, sa ilalim ng doktrina ng exhaustion of administrative remedies, maaari lamang dumulog sa husgado ang isang tao kapag lahat ng posibleng re­medyo sa kaniyang hinaing laban sa isang tanggapan ay naubos na.

Pinaglaban din ni Perlita Mendoza, recall petitioner na walang jurisdiction ang husgado sa pagpigil sa verification, sapagkat ang proseso ay pagsunod lamang sa utos ng buong Comelec na isagawa na ito.

Nanaig din ang argumento ni  Mendoza  na hindi nalabag ang ka­rapatan ni Alvarado sa due process sa verification dahil sa pagsasagawa ng beripikasyon ng lagda ng 319,707 na petitioners.

Dahil sa pag-alis ng TRO, umapela si  Mendoza  kay Alvarado na hayaang matuloy ang beripikasyon upang kanyang mapatunayan sa mamamayan ang lahat ng kanyang alegasyon sa mga Bulakenyo tungkol sa umano ay palsipikadong pirma.

ALVARADO

BULACAN GOV

COMELEC

JUDGE GUILLERMO AGLORO

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT

MENDOZA

OFFICE OF THE DEPUTY EXECUTIVE DIRECTOR

PERLITA MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with