Gulo sa tuna manufacturer, lumala
MANILA, Philippines - Dahil sa planong pagdagdag ng P1 bilyong pondo ng board sa panibagong stock right offer ay lumala umano ang gulo sa Alliance Select Foods International Inc. ang nangungunang tuna manufacturer sa bansa.
Ayon sa source, minamadali ng board of directors ang pagpasa sa planong magsagawa ng panibagong stock rights offer ng hindi pinag-aralan ang financial status ng kumpanya bago kumalap ng P1 bilyong pondo.
Nagsumite noong Feb. 1 ng disclosure sa Philippine Stock Exchange (PSE) at Securities and Exchange Commission (SEC) para sabihing inaprubahan ng board ng Alliance ang pagkalap ng P1 bilyong pondo sa pamamagitan ng bagong stock offer kasabay ang planong itaas ang authorized capital stock sa P3 bilyon.
Nabuo ang desisyong kumalap ng dagdag pondo para sa Alliance sa gitna ng pagkalugi ng kumpanya noong nakaraang taon kahit nakakuha ito ng karagdagang P564 milyon mula sa isang investor.
Noong Oct. 2014 ay inakusahan ni Jonathan Dee na P220 milyon mula sa P564 milyon na pondo ang nagamit na ng kumpanya para sa mga supplies pero hindi naman nagbigay ng paliwanag sa board at mga shareholders.
Hiniling ng mga shareholders na buksan ang book of accounts upang makita kung saan napunta ang mga ginastos subalit hinaharang ito ng mga opisyal ng Alliance kaya lalong tumintindi ang pagdududa sa iregularidad sa financial status ng kumpanya.
Ayon sa minority shareholders, ang plano ng board na pagdagdag ng pondo ay isang taktika lamang upang gipitin silang minority shareholders ng kumpanya dahil tumutol silang magpaluwal ng pondo dahil sa pagkalugi nito.
- Latest