^

Police Metro

Fil-Am na mister pinatay ang misis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang mister ang kanyang misis nang sila ay magkaroon ng mainitang pagtatalo sa kanilang bahay sa Diamond Subdivision, Angeles City, Pampanga kahapon.

Ang nasawi ay nakilalang si Mylene Angeles, 32 na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Ang suspek na pinaghahanap ay kinila­lang si Ike Angeles, 57, retired US Navy na mabilis na tumakas at ta­ngay ang dalawang taong gulang nitong anak.

Ayon kay Angeles City Police Director P/Sr. Supt. Eden Ugale, dakong alas-12:30 ng tanghali nang iparating sa kanilang tanggapan ng isang 12-anyos na batang lalaki ang pagkamatay ng kaniyang ina.

Sa salaysay ng bata sa pulisya, kauuwi lamang umano niya sa kanilang bahay galing sa eskuwelahan nang makarinig ng putok ng baril.

Sa pagpasok ng bata ay nakitang nakabulagta na sa banyo ang ina na umaagos ang dugo sa tama ng baril sa ulo.

Nagmamadali namang tumakas ang kaniyang ama na sumakay ng tricycle bitbit ang 2-anyos nitong kapatid na babae habang naiwan naman ang 10 buwang sanggol nitong kapatid.

 

 


 

vuukle comment

ANGELES CITY

ANGELES CITY POLICE DIRECTOR P

AYON

BINARIL

DIAMOND SUBDIVISION

EDEN UGALE

IKE ANGELES

MYLENE ANGELES

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with