^

Police Metro

Pero hindi kuntento sa paliwanag sa Mamasapano... Mayoryang Pinoy kontra sa P-Noy resign

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kontra ang mayor­yang Pinoy sapagbitiwin si Pa­ngulong Benigno Aquino III.

Ito ay batay sa resulta ng Pulse Asia survey na kung saan 42 percent ng respondents ang nais na manatili si Pa­ngulong Aquino bilang pinuno ng bansa sa kabila ng nangyaring kontro­bersya sa Mamasapano incident.

Ayon sa Pulse Asia, 29 percent lamang mula sa 1,200 respondents ang pabor na magbitiw si P-Noy habang 28 percent naman ang undecided.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. sa media briefing, patunay lamang ito ng mayorya ng Filipino ang naniniwala pa rin sa liderato ni Pangulong Aquino.

Subalit, sa survey din ng Pulse Asia na 79 percent ng respondents ay hindi kuntento sa naging paliwanag ni Pangulong Aquino kaugnay sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) troopers. Hindi rin pabor ang 79 percent ng res­pondents sa desisyon ni P-Noy na hindi pagdalo nito sa arrival honors ng 44 SAF commandos sa Villamor Airbase.

AQUINO

BENIGNO AQUINO

HERMINIO COLOMA JR.

MAMASAPANO

P-NOY

PANGULONG AQUINO

PULSE ASIA

SPECIAL ACTION FORCE

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with