^

Police Metro

VP Binay no.1 pa rin sa survey

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga akusasyong ibinabato laban kay Vice President Jejomar Binay ay patuloy pa rin ang pangunguna nito sa huling survey ng Pulse Asia.

Nabatid na tumaas sa 29 porsiyento ngayong Marso mula sa 26 porsi­yento noong Nobyembre ng nakaraang taon ang rating ni Binay na isa ring housing czar at kasalukuyang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ Concerns.

Ang survey ay isinagawa noong Marso 1 hanggang 7 na nagpapakita rin na nananatili sa number 2 si Senador Grace Poe, bagaman ang kanyang voter preference rating ay bumaba sa 14 na porsiyento mula sa dating 18 porsiyento.

Bahagya namang umangat ang rating ni Manila Mayor at dating Pangulong Joseph Estrada na umakyat sa 12 porsiyento mula sa dating pitong porsiyento habang nagtabla sila  sa ikaapat na puwesto ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi kasama sa survey questionnaire noong una.

Sinusundan naman sila nina Senators Miriam Defensor-Santiago (9%) at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (6 %).

Kabilang naman sa pa­ngalawang hati ng listahan ng mga potensiyal na kandidatong presidente sina Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II (4%) Senators Francis “Chiz” Escudero (4 %),  Alan Peter Cayetano (3%) and Antonio “Sonny”  Trillanes IV (2%), dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson (1%) at Philippine Red Cross chair Richard “Dick” Gordon (1%).

Samantala, nananatili sa unahan ng listahan si Poe sa mga potensiyal na kandidatong bise presidente.  Gayunman, ang voter pre­ference para sa senador ay bumaba sa 29 porsiyento noong Marso mula sa da­ting 33 porsiyento noong Nobyembre.

Ang iba pang top 10 possible vice presidential aspirants ay sina: Escudero (16%), Ca­yetano (13 %), Duterte (11%), Marcos (11%), Trillanes (6%), Estrada (4%), Senate President Franklin Drilon (3%), detained Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. (2%) at Camarines Sur Rep. Leni Robredo (0.4%).

ALAN PETER CAYETANO

CAMARINES SUR REP

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

INTERIOR SECRETARY MANUEL

LENI ROBREDO

MANILA MAYOR

MARCOS JR.

MARSO

NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with