^

Police Metro

3 katao patay sa sunog

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong katao kabilang ang magkapatid habang apat ang nasu­gatan sa naganap na sunog sanhi ng naiwang upos ng sigarilyo sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City kahapon ng mada­ling araw.

Ang mga nasawi ay magkapatid na  sina Reymel, 18; at Michele Perez, 20, at Kylie Servano, 3 pawang residente sa nasabing lugar.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Ro­nald Cabrera, 43; Rose Ann Servano, 24; Elena Cabrera, 64; Rosalie Servano, 43 pawang nagtamo ng pagkabali ng katawan at lapnos.

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng madaling araw nang magsimula  ang sunog sa bahay ng isang Julieta Latona, 59, sa may Margarita St., Nitang Ave­nue, Brgy. Gulod.

Ayon sa ilang residente, nauna rito isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa lugar hanggang sa lumikha na ng usok at apoy.

At dahil gawa lamang sa kahoy ang bahay ay madali itong nilamon ng apoy hanggang sa tulu­yang kumalat sa kalapit bahay nito.

Maayos na napasok ng mga bumbero ang  lugar dahil may malapit na fire hydrant at may open space  kaya madaling naapula ang apoy.

Umabot lamang ang sunog sa ikatlong alarma, bago tuluyang idineklarang fire out ganap na ala- 1:30 ng madaling araw.

Nang isagawa ang mopping operation, nadiskubre ang sunog na bangkay ng magkapatid na nakulong sa loob ng nasunog nilang bahay at ganun din sa bahay ni Kylie.

Tinatayang nagkakahalaga naman ng P200,000 ang halaga ng ari-ariang naabo.

Hinala ng arson investigator na ang napaba­yaang upos ng sigarilyo ang sanhi ng sunog.

vuukle comment

BARANGAY GULOD

ELENA CABRERA

JULIETA LATONA

KYLIE SERVANO

MARGARITA ST.

MICHELE PEREZ

NITANG AVE

QUEZON CITY

ROSALIE SERVANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with