^

Police Metro

4 SAF buhay pa nang paslangin ng MILF

Pang-masa

MANILA, Philippines - Batay sa resulta ng imbestigasyon ng PNP-Board of Inquiry na pinamumunuan ni P/Director Benjamin Magalong  na 4 sa nasawing  44  Special Action Force (SAF) commandos ay buhay pa nang brutal na paslangin matapos na makorner ng mga rebeldeng  Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

“Autopsy record 4 SAF commandos were shot at close range while they were still alive. Records also indicate that some SAF commandos stripped off their protective vest prior to being shot at close range”, paglalahad pa sa resulta ng PNP-BOI report.

Ang  apat na mga SAF commandos ay sabog ang bungo at wasak ang dibdib  na palatandaang binaril ang mga ito nang malapitan.

Isa rito ay si PO2 Joseph Sagonoy, na may tama lamang ng bala sa hita na idinadaing nito pero pinasabog ang bungo na kinunan pa ng ‘brutal video’ at ipinoste sa facebook ng pumaslang ritong MILF rebel.

Ayon pa sa PNP-BOI report, 16 lamang sa mga ninakaw na baril at isang cellphone ang isinoli ng  MILF  na tsinap-chop at pinalitan ng mga bahagi ng armas partikular na ang mga nakakabit ditong modernong mga gadgets.- Joy Cantos-

 

AYON

BOARD OF INQUIRY

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

JOSEPH SAGONOY

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OPLAN EXODUS

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with