^

Police Metro

Purisima, Napeñas sabit din… PNoy lumabag sa Chain of Command

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilabag nina Pa­ngulong Benigno Aquino III; suspendidong PNP Chief P/Director General Alan Purisima at nasibak na si Special Action Force (SAF) Commander P/Director Getulio Napeñas ang chain of command sa pagpapatupad ng Oplan Exodus na ikinasawi  ng 44 SAF commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Lumalabas sa  120-pahinang Mamasapano report, simula pa lang ay depektibo na ang Oplan Exodus  dahil sa kakulangan sa plano pero pilit pa rin itong  inilunsad. Bukod pa sa pagbibigay ni PNoy ng go signal kay Purisima para pamunuan ang Concept of Operations (CONOPS) kahit na ito ay suspendido.

Naging depektibo ang mission planning sa Oplan Exodus dahilan sa mga sumusunod:  poor analysis of the area of operation; (2) unrealistic assumptions; (3) poor intelligence estimate (4) absence of abort criteria; (5) lack of flexibility in its Concept of Operation (6) inaccurate application of TOT and (7) absence of prior coordination with the AFP and Ad Hoc Joint Action Group,” paglalahad sa report.

Pinairal din ni PNoy ang kanyang prerogatibo na makipag-ugnayan kay Napeñas sa halip na kay P/Dir. Leonardo Espina na siyang Officer-in-Charge ng PNP. Ito ay  isang direktang pag-bypass sa umiiral na Chain of Command sa PNP-Fundamental Doctrine.

Paglabag naman sa suspension order ng Ombudsman ang ginawang pamumuno ni Purisima  sa nasabing operasyon laban sa Jemaah Islamiyah (JI) international terrorist na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan at ang Pinoy henchman nitong si Abdul Basit Usman. Ang pagkaantala naman ng reinforcement troops ng Armed Forces of the Philippines ay bunsod ng umiiral na ceasefire agreement ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa peace talks.

Nilinaw pa rin sa report na tanging intelligence information at paggamit ng mga helicopter para sa evacuation ng mga sugatang miyembro ng SAF  ang  naging partisipasyon ng mga sundalong Amerikano at hindi maaaring sumali sa pagtugis sa nasabing mga terrorista.

Lumalabas din na sumunod si Napeñas  sa utos ni Purisima na “Time on Target” at  ipapaalam lang ang operasyon kapag  sila ay nasa lugar na. Hindi rin nagbigay ng tamang impormasyon si Purisima kay PNoy  sa pagpapadala nito ng text messages na nag-pullout na ang mga miyembro ng SAF at ito’y  sinuportahan ng Mechanized at Artillery ng tropa ng military na pawang kasinungalingan lamang.

ABDUL BASIT USMAN

AD HOC JOINT ACTION GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BENIGNO AQUINO

CHAIN OF COMMAND

CHIEF P

OPLAN EXODUS

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with