^

Police Metro

Totoong nangyari sa Mamasapano clash inilahad sa BOI report

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Paninindigan ni PNP–Board of Inquiry (PNP-BOI) Chairman  P/Director Benjamin Magalong ang kanilang report sa totoong nangyari sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25.

Isinumite kahapon ni Magalong ang kopya sa tanggapan ni PNP Officer in Charge P/Director Ge­neral Leonardo Espina ang 120 pahina na pamagat na “The Mamasapano Report” na limang sets o kabuuang 800 pahina na ang kanilang pinirmahan.

Bukod kay Magalong kabilang pa sa signatory sa nasabing report ay ang mga miyembro ng PNP-BOI na sina P/Directors Catalino Rodriguez at John Sosito.

Bukod kay Espina ay binigyan din ng kopya ang Department of Justice, Senado, Kamara at  si Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas na siya namang maghahatid ng kopya at mag-uulat  kay Pangulong Benigno Aquino.

Si Espina ang magsusumite ng report kay Roxas at nakasalalay naman sa Kalihim, kung isasapubliko ito.

Inihayag pa ni Maga­long na hindi nakaapekto sa resulta ng kanilang im­bestigasyon ang pahayag ni P-Noy sa prayer mee­ting sa palasyo ng Malacañang noong Lunes  hinggil sa pagsasabi nitong nabola lamang siya ng sinibak na si P/Director Getulio Napeñas  sa Oplan Exodus na naging kapalit ng buhay ng 44 SAF commandos.

BOARD OF INQUIRY

BUKOD

CHARGE P

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

DIRECTOR GE

DIRECTOR GETULIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with