Plea bargaining pinag-usapan sa kaso ni Pemberton
MANILA, Philippines - Naging paksa ng deliberasyon ng depensa at prosekusyon sa pagpapatuloy ng pre-trial conference ng pinatay na Pinay transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude ng akusadong si US Serviceman Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pagpasok ng probisyon ng pre-bargaining na umano kinakailangang pag-usapan bilang bahagi ng proseso.
Sinabi ni Atty. Virgie Suarez, abogado ng pamilya Laude sa ginanap na press briefing ay pinag-usapan ng magkabilang panig ang ukol sa plea bargaining ngunit walang inialok at walang ring hinihingi.
Idiniin pa ni Suarez na nananatiling matatag ang paninindigan ng pamilyang Laude na makulong si Pemberton bilang isang mamamatay tao.
Nagkasundo din ang magkabilang panig na ituloy ang pag-uusap ukol sa plea bargaining bago magsimula ang pagdinig sa kaso sa Marso 23.
- Latest