^

Police Metro

JV kay P-Noy: Umamin sa pagkakamali at humingi ng tawad

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aminin na ang naging pagkakamali at humingi ng tawad kaugnay sa insidente sa Mamasapano kung saan 44 miyembro ng Special Action Force ang namatay.

Ito ang paghihikayat kahapon ni Senator JV Ejercito kay Pangulong Benigno Aquino III 

Sinabi ni Ejercito ang pag-amin ay tatak ng isang mabuting lider katulad ng ginawa ni da­ting US President Ronald Reagan na humingi ng tawad sa mamamayan ng Amerika dahil sa sekretong pagbebenta ng armas sa Iran 28 taon na ang nakakaraan.

Ipinaalala ni JV ang mga kataga ni Reagan sa Iran-Contra Affair Scandal: “First, let me say I take full responsibility for my own actions and for those of my admi­nistration. As angry as I may be about activities undertaken without my knowledge, I am still accountable for those activities. As disappointed as I may be in some who served me, I’m still the one who must answer to the American people for this behavior.”

Idinagdag pa ni Ejercito na ang pag-amin ng isang lider sa kanyang kasalanan ay hindi maituturing na isang kahinaan.

Naniniwala si Ejercito na magkakaroon lamang ng “closure” at mapa­panatag ang kalooban ng mga kamag-anak ng mga namatay na SAF at ma­ging ng mga mamamayan kung aamin sa kanyang kasalanan ang Pangulo.

Ang pahayag ni  Ejercito ay matapos absuweltuhin na naman ng Pa­ngulo ang kanyang sarili at ibunton ang sisi kay dating PNP-SAF Director Chief Getulio Napeñas.

AMERIKA

AMININ

DIRECTOR CHIEF GETULIO NAPE

EJERCITO

IRAN-CONTRA AFFAIR SCANDAL

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENT RONALD REAGAN

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with