^

Police Metro

72 oras uli vs BIFF

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigay ng 72 oras na ekstensyon ang puwersang militar para magsagawa nang pagtugis at clearing operations laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa  Maguindanao.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Joselito Kakilala na ang 72 oras na ekstensyon ay hiniling ni 6th Infantry Division Major Gen. Edmundo Pangilinan para matiyak na malinis na sa BIFF ang mga bayan ng  Shariff Aguak, Pagatin (Datu Saudi), Mamasapano at Salibo (Shariff Saydona).

Ang orihinal na 72 hour extension ay dapat sana ay magtatapos noong Sabado.

Ang pag-atake laban sa BIFF ay nagsimula noong nakaraang Feb. 25 nang simulang okupahan ng mi­yembro ng BIFF ang komunidad ng mga sibilyan sa Ma­guindanao at North Cotabato.

Naniniwala si AFP public affairs chief Lt. Col. Harold Cabunoc na demoralisado na ang BIFF dahil sa patuloy na pag-atake na ginagawa ng puwersa ng military sa nakalipas na linggo.

 

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

DATU SAUDI

EDMUNDO PANGILINAN

HAROLD CABUNOC

INFANTRY DIVISION MAJOR GEN

JOSELITO KAKILALA

NORTH COTABATO

SHARIFF AGUAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with