^

Police Metro

Sympathy Walk para sa SAF 44 umarangkada

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umarangkada na kahapon ang Sympathy Walk sa kabila ng pagbawi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa permit para sa pagtitipon para sa panawagang hustisya sa tinaguriang SAF 44 mula Cavite hanggang Quezon City.

Ang Sympathy Walk ay isang pagtitipon na nag­lalayong hingin sa pamahalaan ang hustisya para sa mga nasawing SAF  troo­pers sa Mamasapano, Maguindanao noong Ene­ro 25.

Nagsimula ng alas-12:00 ng madaling araw ang pagtitipon ng isang grupo sa Dasmarin?as, Cavite sa pangunguna ni running Priest Rev. Father Robert Reyes, bago tulu­yang tumulak patungo sa  Quezon City.

Kasama ang ilang mi­yembro ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) at ilang sibil­yan na aabot sa 400 ang sumama bitbit ang mga larawan ng mga nasawing SAF troopers.

Magugunita na kinansela ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang hiniling na permiso ng grupo para magtipon sa Quezon Memorial Circle, dahil sa pangambang samahan ang kanilang programa ng mga makakaliwang grupo at mag-usbong ito sa malaking rally. 

Pagdating sa PNP headquarters sa Camp Crame ay sinalubong sila ng grupong Gabriela at mga miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Alumni.

Pero hindi rin pinahintulutan ang grupo na magsagawa ng programa sa stage ng PNP kung kaya nagpas­yang tumulak ang mga ito sa alternatibong venue.

Habang naglalakad ay tumutugtog ang isang awiting may temang baya­ning pulis, hanggang sa makarating sa Immaculate Heart of Mary Parish sa Kalayaan Avenue at nagsagawa sila ng misa.

ANG SYMPATHY WALK

CAMP CRAME

CAVITE

FATHER ROBERT REYES

IMMACULATE HEART OF MARY PARISH

KALAYAAN AVENUE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with