^

Police Metro

Pag-imbestiga sa Binays ‘express lane’ kapag solons na sangkot sa PDAF scam ‘usad pagong’

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilarawan at binatikos kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President Toby Tiangco ang umano’y kitang-kitang selective persecution ng pamahalaan sa mga political personalities na hindi kaalyado ng administrasyon.

Kinutya nito ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na ang preliminary investigation ng Ombudsman ay luminis sa pangalan ng Senado sa pag-iimbestiga nito kay Vice President Jejomar Binay at inaasahan nitong mailalabas sa lalong madaling panahon ang kaukulang arrest warrant.

Subalit, sinabi ni Tiangco, dapat matutong maging maingat sa pagbabasa ng mga balita si Trillanes dahil ang preliminary investigation ay hindi para sa plunder na tulad ng ipinapahayag niya at batay sa pahayag ng Ombudsman ay wala silang nakikitang overpri­cing kundi mga kakulangan umano sa mga proseso sa procurement.

Sinabi pa ng opisyal ng UNA na ang mabilisang pagtrato sa mga alegasyon laban kina Vice President Jejomar Binay at Makati Mayor Junjun Binay ay mas matingkad kumpara sa usad-pagong na imbestigasyon sa mga kongresistang miyembro ng makaadministrasyong Liberal Party na sangkot sa anomalya sa Priority Deve­lopment Assistance Fund.

Naniniwala si Tiangco na merong high-level design para lumpuhin ang political opposition bago sumapit ang halalan sa 2016.

“Pagdating sa Binay at Makati ay ‘special’ lahat na nagsimula sa Special Senate Sub-Committee, napunta sa Special COA audit team, ngayon naman Special Ombudsman panel. Alam naman natin na kapag may salitang ‘special’, ang ibig sabihin ay hindi para maghanap ng katotohanan pero may special mission yun to convict at all cost,” sabi pa ni  Tiangco.

Ipinagtataka rin ni Tiangco na tuloy-tuloy pa rin ang hearing sa Makati Building 2 pero agad na tinapos ang hearing sa Mamasapano para pagtakpan ang mga taong may responsibilidad sa pagkamatay ng SAF 44.

ASSISTANCE FUND

INTERIM PRESIDENT TOBY TIANGCO

LIBERAL PARTY

MAKATI BUILDING

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

PRIORITY DEVE

TIANGCO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with