Takot sa pulis, bagets nagbaril
MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 17-anyos na binatilyo matapos itong magbaril sa sentido dahil sa pagkatakot sa pulis naganap kamakalawa sa Purok 5, Brgy. 9, Malaybalay City, Bukidnon.
Ang nasawi ay kinilalang si Noe Cibulo na nagtamo ng tama ng bala ng cal 5.56 homemade pistol sa kaliwang bahagi ng kaniyang sentido.
Batay sa ulat, bago nagbaril ang biktima dakong alas-4:00 ng hapon sa loob ng kanilang bahay ay nanginig umano ito sa matinding takot nang makitang may nagrorondang pulis sa kanilang lugar.
Kaya’t nagkulong ito sa kuwarto at nagulat na lamang ang mga magulang nang makarinig ng putok ng baril.
Sa salaysay ng magulang ng biktima sa pulisya na maging sila man ay nagtataka na sa tuwing makakakita ng nakaunipormeng parak ang kanilang anak ay sinasakmal ito ng matinding takot at nagdidiliryo.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may naganap na foul play.
- Latest