Mga bakwet sa Maguindanao nagkakasakit na
MANILA, Philippines - Maraming evacuees na kabilang sa 41,000 mamamayan ang dinapuan na ng karamdaman kaugnay ng inilunsad na all out offensive ng tropa ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.
Sa ulat na ipinarating kahapon ng Maguindanao Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa Office of Civil Defense ARMM, kabilang sa mga sakit na dumapo sa mga evacuees ay diarrhea, ubo, lagnat, trangkaso, sipon, pananakit ng tiyan.
Nakapagtala ang IPHO ng 393 bata mula 5 anyos pababa na nagkaroon ng karamdaman dulot ng matinding ubo at sipon kung saan lima sa mga ito ay maaring mauwi sa pneumonia kung hindi maagapan habang nasa 22 kaso rin ng diarrhea at pananakit ng tiyan ang idinaing ng mga evacuees bukod pa sa hypertension bunga ng pagiging siksikan dito.
- Latest