^

Police Metro

Pagtawag sa 3 senador na anti-BBL harassment

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang harassment ang pagtawag sa tatlong Senador na anti-BBL na inilagay pa sa billboard.

Ito ang sinabi kahapon ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito matapos lumabas na billboard na siya ay anti-BBL kasama sina Senators Alan Peter Cayetano at Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ayon kay Ejercito maliwanag na harassment laban sa mga senador ang nasabing billboard upang lumambot ang kanilang paninindigan na dapat ay naayon sa Konstitusyon ang ipapasang BBL.

Muling sinabi ni Ejercito na para sa kanya ay unconstitutional ang BBL dahil magkakaron ng panibagong estado sa loob ng Pilipinas.

Naniniwala si Ejercito na hindi dapat magkaroon ng sariling Bangsamoro police, auditing body, civil service at Ombudsman ang mga siyudad na masasakop sa BBL.

Ayon pa kay Ejercito, sa ngayon hindi maaa­ring basta-basta pumasok ang COA sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kahit nasa ilalim pa rin ito ng national government kaya posibleng mas maging malala ang sitwasyon kapag pumasana ang BBL.

AUTONOMOUS REGION

AYON

BANGSAMORO

BBL

BONGBONG

EJERCITO

MUSLIM MINDANAO

SENADOR JOSEPH VICTOR

SENATORS ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with