^

Police Metro

Patay pinalagda sa petisyon vs Bayron

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagreklamo ang mga kamag-anak ng namayapa nang sina Elvira Mitran, Crispolo Mitran at Reynaldo Navarro na hindi iginalang dahil kabilang sila sa mga pinalagda sa recall petition na isinampa ni Alroben Goh laban kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron.

Ayon kay Atty. Jean Lou Aguilar, nakakuha sila ng dokumento sa lagda ng tatlong namatay gayundin ang kanilang death certificates pati ang litrato ng kanilang mga nitso upang patunayan ang ginawa ni Goh.

Bukod umano sa nasabing namatay na tao na pinalagda ay pinalsipika rin ang lagda ng mahigit 7,000 botante at 7,000 pang doble-doble ang lagda sa petisyon na  nagpatunay sa alegasyon na ang recall petition ay isang kalokohan.

“Sa huli natuklasan, lalong tumindi ang kalokohan sa madayang recall petition na nagpapatunay na ilegal at walang kredibilidad ang petisyon ni Goh.” wika ni Aguilar.

Muling nanawagan si Aguilar sa taga-Puerto Princesa na huwag pahintulutan ang kalokohang recall election para lamang mapalitan ang repor­mistang politiko na si Bayron.

AGUILAR

ALROBEN GOH

CRISPOLO MITRAN

ELVIRA MITRAN

GOH

JEAN LOU AGUILAR

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR LUCILO BAYRON

REYNALDO NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with