^

Police Metro

Intramuros inilabas ang bagong traffic scheme

Pang-masa

MANILA, Philippines - Simula sa darating na Lunes (Marso 2) ay may pagbabagong ipatutupad na  traffic scheme sa loob ng Intramuros, Maynila.

Sa inilabas na advisory ng Intramuros Administration, gagawing  one-way na lang ang General  Luna St. at Arzobispo St. habang dalawang lane na lang ang ipagagamit sa Andres Soriano Avenue.

Ang mga sasakyang manggagaling sa Andres Soriano Ave., ay hindi na makakadiretso sa Muralla  St., at sa halip ay dapat nang kumaliwa sa ibang kalye. 

Hindi na rin padadaanan sa sasakyan ang Sto. Tomas St. mula sa gilid ng Manila Cathedral hanggang sa Plaza Sto. Tomas at hindi na rin papayagan ang pagparada ng mga sasakyan sa Plaza Roma at sa gilid ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Layunin ng bagong traffic scheme ay  mapanga­lagaan ang mga makasaysayang mga kalsada at gusali sa loob ng Intramuros upang makahimok ng mga lokal at dayuhang turista na maglakad sa paglilibot sa walled city.- Ludy Bermudo-

ANDRES SORIANO AVE

ANDRES SORIANO AVENUE

ARZOBISPO ST.

INTRAMUROS

INTRAMUROS ADMINISTRATION

LUDY BERMUDO

LUNA ST.

MANILA CATHEDRAL

MAYNILA

PLAZA ROMA

PLAZA STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with