^

Police Metro

Petisyon vs Puerto Princesa mayor, may lagda ng mga patay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabunyag na lumagda pati ang mga patay nang botante sa petisyon para sa recall election na isinampa ni Alroben Goh laban kay Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron.

Ito ang sinabi kahapon ng abogada ni Bayron na si Atty. Jean Lou Aguilar na nagsuspetsa matapos maraming botante ang nagreklamo na pineke ang kanilang mga lagda sa petisyong isinampa ni Goh sa Comelec.

Nilinaw din ni Aguilar na ibinunyag ng nagmamalasakit na mamamayan na naglalaman ang petisyon ng mahigit 7,000 pinalsipikang lagda at mahigit 7,000 doble-dobleng pangalan kaya kataka-takang nakalusot ito sa Comelec.

“Kung hindi pa sapat ang pinalsipikang mga lagda at doble-dobleng pangalan sa petisyon, natuklasan din sa tulong ng concerned citizens, na may lagda ng mga namatay nang botante sa petisyon,” diin ni Aguilar.

Sinabi ni Aguilar na ang lagda ng mga patay na botante bukod pa sa libo-libong mga pekeng lagda ay malinaw na nagpapatunay na ilegal at walang kredibilidad ang petisyon ni Goh.

Bunga nito, nanawagan si Aguilar sa taga-Puerto Princesa na huwag pahintulutan ang kalokohang recall election para lamang mapalitan ang repormistang politiko na si Bayron.

AGUILAR

ALROBEN GOH

BAYRON

BUNGA

COMELEC

GOH

JEAN LOU AGUILAR

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA MAYOR LUCILO BAYRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with