Bakbakan sa Sulu... AFP vs ASG: 7 todas
MANILA, Philippines - Nasawi ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at dalawang sundalo habang 30 ang nasugatan kabilang ang 16 sa tropang gobyerno sa naganap na bakbakan ng magkabilang panig kahapon ng umaga sa Brgy. Tanum, Patikul, Sulu.
Sa ulat na natanggap ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Harold Cabunoc, dakong alas-9:20 ng umaga nang makabakbakan ng 16th Special Forces Company (SFC) at 1st Special Reconnaissance Batallion ng Joint Task Group (JTG) Sulu ang nasa 300 bandido na pinamumunuan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Sawadjaan.
Nabatid na nagsagawa ng operation ang tropa ng pamahalaan upang lipulin ang mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa paghahasik ng terorismo kabilang ang kidnapping for ransom, ambushcades, pamumugot ng ulo sa mga hostages at pambobomba.
Ayon sa tropang gobyerno nasa lima sa mga kalaban ang nasawi sa encounter site sa kasagsagan ng ‘artillery fires’ habang nasa 14 naman sa mga ito ang nakita nilang sugatang tumatakas.
Naglatag na rin ng blocking at checkpoint operations upang harangin ang mga nagsisitakas na bandido.- Joy Cantos-
- Latest