^

Police Metro

Pagdinig ng Kamara sa BBL hiniling na pagbotohan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagbotohan muna ng mayorya ng mambabatas kung dapat na mu­ling buksan ang pagdinig sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang kahilingan ni  Buhay partylist Lito Atienza, sa mayorya  ng Kamara na pagbotohan muna ang nasabing isyu at sakaling payag umano ang mayorya na mu­ling buksan ang pagdinig ay saka lamang dapat muling simulan ang hearing.

Anya, hindi maatim ng kanyang konsensya  na ituloy ang usaping pangkapayapaan sa grupong MILF gayung ang mga ito ang pumatay sa SAF 44 na nagsasagawa ng lehitimong operasyon.

Samantala, tiniyak ng liderato ng Kamara na dadaan sa overhaul ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago ito tuluyang mapagtibay.

Ayon kay House Majority leader Neptali Gonzales, hindi nila susundin ang orihinal na bersyon ng BBL sa kabila ng sinasabi ng Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) na hindi nila tatanggapin ang amended version ng nasabing panukalang batas.

Hindi anya, maaaring masunod ang kagustuhan dito ng MILF dahil dumaan sa legislative mill ang panukala kaya natural na magkaroon ng pagbabago.

Tumanggi naman mas malabnaw na bersyon ang ipapasang BBL bagamat marami ang mababago dito lalo na ng mabasag umano ang tiwala ng maraming mambabatas  dahil sa Mamasapano encounter.- Gemma Garcia-

 

vuukle comment

ANYA

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

GEMMA GARCIA

HOUSE MAJORITY

KAMARA

LITO ATIENZA

MORO ISLAMIC LIBE

NEPTALI GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with