^

Police Metro

Bill isinulong sa Kamara para mapigilan ang pagiging adik ng kabataan sa DOTA atbp.

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang isang panukalang batas na magbabawal sa paglalaro ng DOTA at iba pang computer games sa mga internet shop.

Ayon sa House Bill 4740 o ang Internet Cafe Regulation Act na inihain ni Valenzuela Rep. Win Gatchalian ay naghihikayat din sa mga magulang na i-monitor mabuti ang nilalaro sa computer ng kanilang mga anak at kung anong websites ang binubuksan.

Nakasaad pa sa panukala na hindi rin dapat papasukin ng mga may-ari ng internet shop ang mga menor de edad mula alas-7:00 ng gabi hanggang alas-7:00 ng umaga tuwing weekends at holiday upang malimitahan ang mga ito sa computer games.

Anya, kapag nakaka access ang mga kabataan sa computers at internet ay mistulang nagi­ging “double edged sword” dahil nagbibigay ito ng mabilis na impormasyon sa kanila habang lantad naman sila sa addiction sa mga laro at iba pang malalaswang websites.

Inihalimbawa ng kongresista ang nangyari sa isang 16 anyos na binatilyo na pinatay ang 11-anyos na lalaking kalaro dahil na hacked nito ang kanyang DOTA account, gayundin ang 17-anyos na lalaki na binugbog ang kanyang lola matapos siya nitong pagalitan dahil sa sobrang adik sa computer games.

Ang hakbang na ito ni Gatchalian, matapos na magkaroon ng resolution ang isang barangay sa  Dasmariñas, Cavite na nagba-ban sa larong DOTA.

ANYA

AYON

CAVITE

HOUSE BILL

INTERNET CAFE REGULATION ACT

VALENZUELA REP

WIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with