^

Police Metro

3 dedbol sa sunog

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalitson ng buhay ang tatlong kababaihan  nang masunog ang isang lumang transient house sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Halos hindi na makilala ang mga biktima at isa sa mga ito ay may nakatakdang kidney operation, samantala ang isa naman ay kidney donor, na kinilala lamang sa pangalang Elvie. Sa ngayon ay inaalam pa ang tunay na pagkakakilanlan ng mga ito.

Sa kabila na sinasabi ng may-ari ng transient house na si Isabelita Tiangco, 71, na pawang mga babae ang mga biktima ay isasailalim pa rin ang mga ito sa awtopsiya.

Napag-alaman na may tatlo pang nangungupahan na nasugatan at isinugod sa isang ospital. Wala namang ibang bahay na nadamay sa sunog.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, naganap ang insidente alas-2:17 ng madaling araw sa dalawang palapag na lumang  transient house na matatagpuan sa #7562 panulukan ng Santillan at Dela Rosa Sts., Barangay Pio Del Pilar ng nasabing lungsod.

Bigla na lang umanong sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng naturang transient house na okupado ng mga biktima.

Ayon kay Tiangco, natutulog siya sa kanyang bahay na nasa tapat ng nasabing transient house at nagi­sing lamang siya  nang malaman niyang nasusunog ito.

Masusi namang iimbestigahan ng Makati City
Central Fire ang dahilan nang sunog at magkano ang napinsala. Alas-3:37 ng madaling araw ng idineklarang fire-out ang insidente.

AYON

BARANGAY PIO DEL PILAR

BIGLA

CENTRAL FIRE

DELA ROSA STS

ELVIE

ISABELITA TIANGCO

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with