Pasay Vice Mayor nagbabala sa paggamit ng kanyang pangalan
MANILA, Philippines - “Walang sinumang maaaring gumamit ng aking pangalan sa anumang illegal o maanomalyang transaksyon”.
Ito ang naging babala ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre sa loob at labas ng Pasay City Hall dahil wala siyang binibigyan ng pahintulot kaninuman na banggitin ang kaniyang pangalan kailanman para sa anumang tansaksyon o negosasyon.
“Nakikiusap po ako sa aming mga residente na huwag paniwalaan at agad na ipagbigay alam sa aking tanggapan o sa sinumang alagad ng batas ang sinumang magsasabing ako ang nasa likod ng anumang transaksyon na kaniyang inilalapit.
Anya, asahan na agad niya itong ipapahuli at ipakukulong ang taong gagamit ng kanyang pangalan.
Ang babala ni Pesebre ay matapos maiulat sa mga pahayagan na may malaking grupong nagbabalak gumamit ng mga drug pusher para sirain ang mga lokal na opisyal o mga nagbabalak kumandidato sa halalan sa 2016.
Ayon sa mga ulat plano ng grupo, na kinabibilangan ng isang kilalang malapit sa mga maimpluwensiyang opisyal ng lungsod, na takutin ang mga pusher upang iturong protector o financier ang mga taong nais nilang sirain.
Ipinangako ni Pesebre sa mga taga Pasay na sampu ng kanyang kasamang opisyal ay lalabanan ang illegal na gawain at kriminalidad.
- Latest