^

Police Metro

Pinas kailangan ang lider na hindi magnanakaw

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kailangan ng Pilipinas ang isang lider na may kakayahang disiplinahin ang pulisya at militar at hindi kailanman nasangkot sa pagnanakaw.

Ito ang panawagan ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) na siyang kahilingan ni Pope Francis ng ito ay dumalaw sa bansa kamakailan na nagsabi na iwaksi ang mga lider na nasangkot sa pangungurakot at pagnanakaw.

Panahon na upang magkaroon ng lider na tulad ng mga kongresistang hindi tumanggap at nakinabang sa pork barrel tulad ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay 4K vice president Ronald Mendoza na kailangan ng Pilipinas ang isang lider na may tapang na lulutas sa dalawang pangunahing problema ng ating bansa---korupsiyon ng mga nanunungkulan sa bayan at sobrang krimen o kawalan ng kapayaan at kaayusan.

 “Hangga’t hindi natin nailuluklok sa Malakanyang ang lider na lulutas sa dalawang mabigat na isyung ito, mahirap nating matamo ang minimithi nating kaunlaran.” wika ni Mendoza.

Ayon sa 4K, may ilang lider na tiyak na igagalang ng mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at iyon ang kailangan nating iluklok sa Malakanyang.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

MALAKANYANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

POPE FRANCIS

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RONALD MENDOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with