^

Police Metro

4 NPA rebels, 1 sundalo todas sa sagupaan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang apat na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at isang sundalo nang magsagupa kamakalawa ng gabi ang tropa ng militar ang komunistang grupo sa Brgy. Mabini, Basey, Samar.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang makasagupa ng tropa ng Army’s 82nd Reconnaissance Company sa  nasabing lugar ang komunistang grupo.

 Ayon kay Major Amado Gutierrez, Spokesperson ng Army’s 8th Infantry Division na base sa paha­yag ng mga residente sa lugar ay nalagasan ng apat ang hanay ng mga rebelde na kanilang nakasagupa na ang bangkay ay binitbit at inili­bing sa kagubatan.

Nabatid na nagsasagawa ng combat ope­ration ang tropa ng Army’s 801st Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Leoncio Cirunay Jr., nang makatanggap ng impormasyon sa isang pulutong ng mga rebelde na nangingikil at nangha-harass ng mga residente sa lugar.

vuukle comment

AYON

BASEY

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

LEONCIO CIRUNAY JR.

MAJOR AMADO GUTIERREZ

NEW PEOPLE

RECONNAISSANCE COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with