^

Police Metro

Isinoling armas ng SAF ‘di na original

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pagsusuri ng mga otoridad sa 16 baril na pag-aari ng namatay na SAF 44 na isinoli kamakalawa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nabatid na ito ay tsinap-chop  matapos na tanggalan ng mga sophisticated gadgets.

Sa pagprisinta kahapon sa media ng mga opisyal ng pulisya sa 16 isinoling mga baril ng MILF ang ika-17 baril ay dulo na lamang ng assault rifle.

Kinuwestiyon ni PNP Officer in Charge P/Deputy Director Ge­neral Leonardo Espina ang kondisyon ng mga isinoling mga armas dahil kulang kulang na ang mga bahagi nito kung saan  isa rito ay kalahati  o dulo na lamang sa halip na buo nilang nabawi.

“We will double check yung mga serial numbers, completeness of parts dito sa mga baril na ito etc, katulad ng isang yun, bakit kalahati yun, titingnan natin, dapat buo kasi buo nilang nakuha eh”, ani  Espina.

Isasailalim pa sa assessment at ebalwasyon ng mga technical experts ng PNP ang mga naba­wing mga armas para malaman kung anong parte nito ang nawawala na kinahoy ng MILF.

Ayon naman sa isang opisyal ng PNP na tumangging magpabanggit ng pangalan, kuwestiyonable na ang kondisyon ng isino­ling mga armas dahilan nawawala na ang mga ‘sophisticated gadgets’ nito na ang bawat isang armas ay aabot sa P80,000 hanggang  P100,000 ang halaga.

Lumilitaw na tinanggal sa rail system ng mga ibinalik na armas ay optical sights, laser designators, aiming device at tactical lights.

Aabot sa 60-64 mga armas ang tinangay ng mga kalaban matapos  makabakbakan ng SAF commandos ang MILF  at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa inilunsad na Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong E­nero 25 para arestuhin sina Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir at Pinoy henchman nitong si Abdul Basit Usman.

Kabilang sa mga nawawalang mga armas ay 33 Ferfrans/rockriver assault rifles, 4 savage sniper rifles, 4 crew–served weapons (M60 machine guns), 10 Ferfrans M203 grenade launchers, isang 90 MM recoiless rifle, 11 maiikling mga armas, 8 Glock handguns, 2 Beretta handguns at isang CZ.

Anya, kung sinasabi ng BIFF na sampu ang hawak nilang mga armas ay nasa 38 pang nawawala na kailangang maibalik sa PNP.

ABDUL BASIT USMAN

ARMAS

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CHARGE P

DEPUTY DIRECTOR GE

FERFRANS

JEMAAH ISLAMIYAH

LEONARDO ESPINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with