^

Police Metro

Planong pagbomba sa mm kumalat sa text

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na pinawi ng mga otoridad ang pangamba ng publiko sa kumakalat na text message hinggil sa umano’y planong pambobomba ng isang grupo ng mga Muslim sa ilang matataong lugar sa Metro Manila.

Ayon sa text message, pinaiiwas ang publiko sa matataong lugar lalo na sa mga MRT station at mall sa Quezon City, Pasig, Taguig at Makati dahil sa umano’y planong pambobomba.

Base sa kumakalat na mapanakot na text messages nakasaad dito ang “Hey guys, please go home  early today and try to avoid crowded areas. If you can avoid the MRT and malls this week the better”.

“We just received information  from our assets that there’s a planned bombing in the following areas”, ayon pa sa bomb text messages ng mga nagpakilalang intelligence units ng PNP at AFP.

Ayon kay AFP Spokesman Lt. Col. Ha­rold Cabunoc, hindi ito totoo at pakay lang ng text message na takutin ang mga tao.

Pinabulaanan din ni PNP- Public Information Office(PNP-PIO) Officer in Charge P/Chief Supt. Generoso Cerbo Jr. ang kumakalat na ‘bomb text messages’  na isang “cruel joke” dahil sa walang namo-monitor ang PNP intelligence operatives ng banta ng terorismo o pambobomba sa ilang mga lugar sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Cerbo na bagaman walang namo-monitor na banta ng te­rorismo sa Metro Manila ay  nakahanda ang otoridad sa lahat ng oras.

 

AYON

CHARGE P

CHIEF SUPT

GENEROSO CERBO JR.

METRO MANILA

PUBLIC INFORMATION OFFICE

QUEZON CITY

SPOKESMAN LT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with