Budget ni Deles na P7.8-B ipagawa na lang ng tulay sa Mamasapano
MANILA, Philippines - Ipatayo na lang ng tulay sa ilog ng Mamasapano kung saan napatay ang 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force ang P7.3 bilyon budget ngayong 2015 ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles.
Ito ang naging hamon ni Senator Ralph Recto at hiniling na dapat palitan ang nasabing tulay dahil magiging simbolo lamang ito ng kapabayaan ng gobyerno.
Para sa 2015 ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ay may budget na P490 milyon.
Subalit, kontrolado rin ng tanggapan ni Deles ang nasa P7.3 bilyong halaga ng pondo para sa 12 ahensiya na nasa ilalim ng programang tinatawag na PAMANA o “Payapa at Masaganang Pamayanan.”
Ang PAMANA ay isang “unitemized lump sum” sa national budget” kung saan may kalayaan ang OPAPP kung saan ito ilalagay.
Naniniwala si Recto na dapat tapatan ng gobyerno ng mga proyekto ang intensiyon na matigil ang kaguluhan sa Mindanao.
- Latest