Ginang wasak ang likod sa sumpak
MANILA, Philippines – Idineklarang dead-on- arrival sa pagamutan ang isang 48-anyos na ginang matapos na tamaan ang likod nito ng sumpak na tinira ng suspek para sana sa kaaway nitong kapitbahay kamakalawa sa Brgy. San Nicola 3, Bacoor, Cavite.
Ang nasawi dahil sa pagkawasak ng likod sa bala ng sumpak ay kinilalang si Evelyn Carrion, 48 residente ng Pintong Batobukid ng nasabing barangay.
Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Cesar Barron, 48, alyas Sar at kapitbahay ng biktima.
Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay nakikipagtalo ang suspek sa isa nitong kapitbahay na lalaki hanggang sa mapikon ang suspek at inumang ang dalang sumpak at ipinutok.
Subalit, hindi ito tinamaan bagkus ay tumama sa biktima na sumandaling iyon ay natutulog.
- Latest