^

Police Metro

PNP: Usman sunod ng masasakote

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malapit ng bumagsak sa kamay ng batas ang isa pang wanted na  teroristang si Abdul Basit Usman na napaulat na sugatang nagpapalipat-lipat ng taguan sa Maguindanao.

 Ito ang sinabi ni Philippine National Police  Public Information Office (PIO) Officer –in-Charge (OIC) Generoso Cerbo sa patuloy na  manhunt ope­rations ng pulisya at maging ng iba pang mga law enforcement agencies laban kay Usman.

Gayunman, patuloy namang inaalam ng mga awtoridad kung nasugatan sa bakbakan si Usman.

Si Usman, may reward na $2M ang sinasabing Pinoy henchman ni Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkipli bin Hir alyas Marwan, may reward na $5M na iniulat na napatay sa inilunsad na Oplan Exodus sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 na nagresulta sa pagkasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos.

Samantala, iginiit ng MILF na kinakanlong ng kanilang grupo si Usman at nangakong tutulong sa paghuli laban sa naturang wanted na terorista.

Unang ipinangako ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa pamilya ng SAF fallen 44 ang pagtugis , pag-aresto at paghaharap sa paglilitis ng batas laban kay Usman matapos ang madugong engkuwentro sa Mamasapano.

ABDUL BASIT USMAN

GENEROSO CERBO

JEMAAH ISLAMIYAH

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

OPLAN EXODUS

PANGULONG BENIGNO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SI USMAN

USMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with