^

Police Metro

Pinay nurse na may MERS-CoV, buntis

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Pinay nurse mula Saudi Arabia na nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) ay buntis.

Ito ang inihayag ni Health acting Secretary Janet Garin na nahihirapan ang mga doktor sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa pagbibigay ng lunas sa pasyente dahil sa sitwasyon nito.

“May konting problema lang dahil ang isang pasyente, maganda kung marami tayong mabibigay na sapat na lunas, subalit sa sitwasyon ng ating pasyente, it turned out na 4 to 5 weeks pregnant ang pasyente. Mayroong mga gamot na hindi maibigay,” ani Garin.

Hindi rin aniya maisalang sa x-ray ang pasyente kaya pinakikinggan na lamang ng mga ekspertong doktor ang ingay sa baga nito para malaman ang lawak ng pinsala.

Hindi pa naman masabi ni Garin ang sitwasyon ng sanggol sa sinapupunan pero umaasa aniya silang hindi ito maaapektuhan.

Sa ngayon aniya, stable naman ang lagay ng Pinay nurse sa RITM, wala na itong lagnat pero nananatiling positibo sa virus.

Magugunita na Pebrero 1 nang dumating sa bansa ang Pinay nurse sakay ng Saudia Flight 860 at na-confine sa RITM noong Pebrero 10 sa negative pressure room sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) matapos makaranas ng lagnat, body pains, ubo at hirap sa pahinga na pawang mga sintomas ng sakit. 

Sa ngayon, 90 pa lamang sa 225 sakay ng eroplano ang natunton ng DOH at 63 pa lamang dito ang rumesponde.

Kaya nanawagan si Garin sa mga nakasakay ng Pinay nurse na agad makipag-coordinate sa regional offices o sa lahat ng DOH hospital para agad makipag-ugnayan at ma-test para masigurong negatibo sila at di sila nahawa.

ANG PINAY

GARIN

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME CORONAVIRUS

PEBRERO

PINAY

RESEARCH INSTITUTE

SAUDI ARABIA

SAUDIA FLIGHT

SECRETARY JANET GARIN

TROPICAL MEDICINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with