^

Police Metro

NCRPO inalerto sa resbak ng mga galamay ni Marwan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilagay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong Metro Manila  sa heigh­tened alert status sa gitna na rin ng ilang mga ulat na diumano’y posibleng makarating sa Metro Manila ang mga galamay  ng napatay na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan.

Ito ang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Director Carmelo Valmoria matapos na mapaslang si Marwan na may patong sa ulong $5M noong Enero 25 sa inilunsad na Oplan Exodus sa Brgy. Tuka­nalipao, Mamasapano, Maguin­danao kung saan 44 Special Action Force (SAF) troopers ang nasawi.

Nabatid sa opis­yal na bagaman wala naman silang intelligence report  sa banta ng terorismo sa  Metro Manila mula sa mga kaalyado ni Marwan ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras upang mapigilan ang pagresbak ng mga teroristang grupo dahil sa kanilang tala na karaniwan ng rumeresbak ang mga teroristang grupo kapag napapatay ang mga lider ng mga ito. Si Marwan ay sinasabing utak ng Bali bombing sa Indonesia noong 2002 na ikinasawi ng 202 katao.

Inihayag ng opisyal na bago pa man bumisita sa Pilipinas si Pope Francis noong Enero 15-19 ay nasa heightened alert na ang pulisya  na itinaas sa full alert ng umalis na ang Santo Papa.

ENERO

JEMAAH ISLAMIYAH

MARWAN

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

OPLAN EXODUS

POLICE DIRECTOR CARMELO VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with