^

Police Metro

Singil sa kuryente tataas ngayong buwan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inanunsyo na ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ngayong buwan ng P0.84 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil sa kuryente o katumbas ng P168 na dagdag sa bill ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Ang mga kumukonsumo naman ng 300 kWh ay madaragdagan ng P252 na bayarin sa kanilang monthly bill, P335 naman para sa mga kumukonsumo ng 400 kWh users, at P419 sa 500 kWh users.

Sinabi ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, ang pagtataas ng singil sa kuryente ay bunsod nang pagtaas ng generation charges ng P0.52 per kWh, pagtaas ng transmission charges ng P0.12 per kWh, mga buwis na
tumaas ng P0.08 per kWh at iba pang bayarin tulad ng system loss charge at lifeline subsidy na tumaas naman ng P0.08 per kWh.

Madaragdagan rin umano ang bill ngayong  buwan ng bagong line item na tinatawag na FIT-All (Renewable) na umabot sa P0.04 per kWh.

Ang FIT-All (Renewable) charge ay isang uniform charge na ibi-bill sa lahat ng on-grid electricity consumers sa buong bansa bilang suporta sa FIT program sa ilalim ng Section 7 ng Renewable Energy Act of 2008.

Magiging bahagi ito ng pondo na gagamitin ng National Transmission Corp (TransCo) sa pagbabayad ng FIT-eligible Renewable Energy developers para sa power na kanilang ipo-produce.

INANUNSYO

JOE ZALDARRIAGA

KWH

MADARAGDAGAN

MAGIGING

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

NATIONAL TRANSMISSION CORP

RENEWABLE ENERGY

RENEWABLE ENERGY ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with