Tserman dinakip sa hindi lisensiyadong baril
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang isang barangay chairman matapos na mahulihan ng hindi lisensiyadong baril nang salakayin ang kanyang bahay sa Sitio Culaprit, Brgy. Harrison, Garchitorena, Camarines Sur kamakalawa.
Ang inaresto ay kinilalang si Barangay Harrison Chairman Augusto Beriso, 49, may-asawa.
Nabatid na dakong alas-9:35 ng umaga ay sinalakay ang bahay ni Beriso batay sa inisyung search warrant ni Judge Pedro M. Redoña ng RTC Branch 63 – Calabanga, Camarines Sur at nakumpiska ang isang shotgun na may trademark na Remington model 1148 at isang bala.
Inaresto rin dakong alas-11:30 ng umaga ang suspek na si Leonidez Huit, 39 anyos, may-asawa ng Sitio Pangasinan ng nasabing ding barangay matapos masamsam ang isang Cal. 45 (Norinco CN M1911A1), isang magazine na may limang bala na walang kaukulang dokumento.
- Latest