Mga opisyal ng BOC, pinasisibak
MANILA, Philippines – Dahil sa umano’y kabiguan na maabot ang target collection ay hiniling ni Isabela Congressman Rodito Albano kay Pangulong Noynoy Aquino na sibakin ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).
Anya, ito ay alinsunod sa nakasaad sa lateral attrition law na nagtatakda ng parusa sa mga opisyal ng Revenue Generating Agencies na bigong makaabot ng target at reward naman para makakapagtala ng surplus sa kanilang koleksyon.
Nabatid na noon 2014 ay umabot lamang ng P366.87 bilyon ang nakolekta ng BOC sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner John Sevilla na kapos ng mahigit P41 bilyon kumpara sa target ng P408 bilyon na koleksyon.
Kung ganito anya ang performance ng BOC ay wala sa sinumang opisyal nito ang dapat na makaligtas sa parusa ng batas kaya’t hiniling din nito sa Kamara ang congressional review sa implementasyon ng lateral attrition law.
Malaki rin umano ang epekto nito sa kalagayang pinansyal ng bansa dahil nagreresulta umano ito sa budget deficit.
- Latest