P 1 video hatid ng Globe at Viva
MANILA, Philippines – Maghahatid ng mga ‘innovative content’ ang kumpanyang Globe Telecom sa kanilang mga kustomer kasunod nang pakikipagtambalan sa global brands tulad ng Spotify at NBA.
Sinelyuhan ng Globe Telecom ang exclusive partnership kay Viva Communications-Chairman at CEO Vicente del Rosario, Jr., ang pinakamalaking entertainment content provider sa bansa sa kasalukuyan, upang maka-access sa libu-libong pelikula, music videos, live concerts at events sa kanilang mobile phones.
Sinabi ni Issa Cabreira, SVP for Consumer Mobile Marketing at Globe partnership na ang mga Globe prepaid at TM customer ay maaaring maka-access sa mayamang library ng video content ng Viva sa aspeto ng movie clips, bloopers, outtakes at behind-the-scenes, movie promo segments, compiled classic movie lines, compilations, music and lyric videos, press conferences, event clips at concert highlights.
Ang videos ay makukuha sa one-stop shop virtual video store Piso Mall ng telco, na pinapayagan ang mga user na manood sa kanilang mobile phones mula sa seleksiyon ng mahigit 200,000 videos, kung saan ang bawat video ay maaaring mapanood sa halagang P1 lamang.
Walang dapat ipag-alala ang mga prepaid customer sa kanilang babayaran sa data usage dahil ang video browsing sa Piso Store ay libre at hindi mangangailangan ng maintaining balance. Magbabayad lamang sila kapag pinanood ang mga video. Maaaring maka-access ang Globe at TM customers sa Piso Mall sa pamamagitan ng pag-text ng PISO sa 8888 or sa pagbisita sa http://m.pisomall.com.ph sa kanilang mobile browser.
- Latest