^

Police Metro

Flooring bumigay: 2 obrero patay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang dalawang construction workers  habang 11 ang nasugatan matapos gumuho ang biga sa upper ground floor ng isang itinatayong gusali sa Bo­nifacio Global City (BGC) Taguig City kahapon ng umaga.

Nasawi noon din ang mga biktimang sina Renan Dela Cruz at  Ruben Racraquean, kapwa nasa hustong gulang matapos madaganan ang mga ito.

Dinala naman sa Saint Luke’s Medical Center  ang 11 construction workers na pawang nasugatan na kinilalang  sina Aldrin Gahuman; Jaymar Carbeta; Sandy Vargas;  Roberto Lorca; Reagan Labmutin; Larry Magguray; Wendel Behim; Darwin Amara; Bernard Tugade; Jonathan Agoson at Delinger Abara.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga sa  upper ground floor ng ginagawang The Suit Condominium kung saan ay nasa   pitong palapag pa lamang ang kontruksiyon,  na matatagpuan sa  panulukan ng 5th at 28thAvenues, BGC nang bumigay ang pinatutuyong semento at ang scaffolding na tinutungtungan ng mga biktima habang  gumagawa ang mga ito.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

vuukle comment

ALDRIN GAHUMAN

BERNARD TUGADE

DARWIN AMARA

DELINGER ABARA

GLOBAL CITY

JAYMAR CARBETA

JONATHAN AGOSON

LARRY MAGGURAY

MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with