Chop-chop na katawan isinilid sa bag
MANILA, Philippines – Natagpuan kamakalawa ang chop-chop na katawan ng isang lalaki na nakalagay sa garbage bago isinilid sa dalawang travelling bag sa kahabaan ng Jose Abad Santos Road, Brgy. Salitran 4, Dasmariñas City, Cavite.
Batay sa ulat, dakong alas-2:15 ng madaling araw nang madaanan ng isang Joebert Andes ang dalawang travelling bag.
Dala ng kuryosidad sa posibleng may laman na mahalagang bagay ang travelling bag ay binuksan niya ito at ganun na lamang ang pagkabigla nito na makita ang mga putol na katawan ng isang lalaki na walang ulo.
Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa ulo ng lalaki upang makilala ito habang ang mga putol nitong katawan ay inilagak sa Alindog Funeral Homes para isailalim sa post mortem examinataion.
- Latest