^

Police Metro

MPD Station-7 hinagisan ng granada

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikinagulat ng mga residente at tauhan ng Manila Police District-Station-7 ang malakas na pagsabog sa bangketa malapit sa presinto nito sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kasabay nito, natagpuan rin sa ilalim ng sasakyan ni MPD-Station 7 Commander P/Supt. Joel Villanueva ang isang di sumabog na granada.

 Sa report ng pulisya alas-5:00 ng umaga nang makarinig ng isang malakas na pagsabog sa nasabing lugar at nakitang may umiikot dito na dalawang di kilalang kalalakihan sakay ng motorsiklo. Nakita umanong naghagis ng MK2 na apple type grenade ang lalaking angkas ng motorsiklo.

 Wala naman naiulat na napinsala sa pagsabog, dahil sa bangketa ng presinto, bumagsak ang granada, at sumabog sa  bandang  kaliwang bahagi. Posibleng dahil sa droga ang motibo ng pagpasabog dahil sa magkakasunod na operasyon ng pulisya laban dito. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

COMMANDER P

IKINAGULAT

INAALAM

JOEL VILLANUEVA

JOSE ABAD SANTOS AVENUE

KASABAY

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

NAKITA

POSIBLENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with