^

Police Metro

Mayor Binay inaresto, pinakawalan din

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkatapos arestuhin at kaladkarin ay pinakawalan din agad si Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr., ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms kaugnay sa pagharap nito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee.

Dakong alas-11 ng umaga ng dumating ang grupo ni Binay sa Senado at  dumiretso sa tanggapan ng OSAA habang isinasagawa naman ang ika-14 na pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee tungkol sa diumano’y overpriced na Makati City Hall parking building sa pangunguna ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel.

Si Binay at ang limang iba pa ay pinatawan ng contempt ng komite bunsod  sa patuloy na pang-iisnab sa hearing ng subcommittee. Natuloy  ang hearing dakong alas-1:30 ng hapon nang magmosyon na si Trillanes na dalhin sa session hall si Binay.

 Sa pagdinig, pilit na pinasasagot naman ni Pimentel si Binay sa alegasyon tungkol sa sinasabing overpriced na Makati City Hall 2 parking building.

 Iginiit naman ni Binay na hindi niya sinasalungat ang Senado pero may mga karapatan din umano siya na dapat protektahan at una ng nasagot ang mga katanungan na iniisyu sa kanya.

Dahil sa pagmamatigas ni Binay, ipinag-utos na ni Pimentel na palayain ito kasama sina dating City administrator Marjorie De Veyra at  kasalukuyang administrator na si Eleno Mendoza na  ikinatuwa naman ng mga supporters nito.

 Nakapagsagawa pa ng isang press conference si Binay matapos ang pagdinig kasama sina dating Senators Joker Arroyo at Rene Saguisag.

vuukle comment

BINAY

BINAY JR.

ELENO MENDOZA

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN

MARJORIE DE VEYRA

OFFICE OF THE SENATE SERGEANT

RENE SAGUISAG

SENATE BLUE RIBBON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with