^

Police Metro

Pagpapatibay ng BBL nalagay sa alanganin

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa naganap na “Mamasapano massacre” na ikinasawi ng 44 miyembro ng PNP-SAF ay inamin ng kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino sa Kamara na nalalagay sa alanganin ang pagpapatibay ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinabi ni Davao Rep.Karlo Alexie Nograles, bagamat nagpapatuloy ang pagtalakay nila  sa BBL ay mayroong concerns kung kontrolado ba ng MILF ang sari­ling pwersa nito.

Ang House Adhoc Committee on the Bangsamoro ay magbigay umano ng ta­ning sa mga otoridad na magsumite ng report kaugnay ng resulta ng imbestigasyon sa Mamasapano massacre hanggang sa Pebrero 9.

Ayon pa kay Nograles, mahirap masabi kung ano ang magiging hakbang ng Adhoc Committee kapag natanggap na ang report dahil maaaring magbago ang sentimyento ng mga kongresista.

Malaking tanong umano kung papaano mabibigyan ng kataru­ngan ang mga napatay ng MILF at BIFF sa madugong insidente at hindi maaaring magbulag bulagan na lamang dito ang kongreso.

vuukle comment

ADHOC COMMITTEE

ANG HOUSE ADHOC COMMITTEE

AYON

BANGSAMORO

BANGSAMORO BASIC LAW

DAVAO REP

KARLO ALEXIE NOGRALES

MAMASAPANO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with