Presyo ng gatas bababa
MANILA, Philippines - Nakatakdang bumaba ang presyo ng gatas sa susunod na mga araw matapos na tiyakin ng mga kumpanya ng gatas sa Department of Trade and Industry (DTI).
Nabatid kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, humihingi lamang umano ng panahon pa ang mga manufacturers upang magsagawa rin ng kanilang sariling komputasyon partikular kung magkano ang kanilang itatapyas.
Lumitaw na halos 34 percent o P35.14 ang dapat na tapyas sa suggested retail price (SRP) ng condensed milk habang 41 percent o P22.72 ang tapyas naman sa evaporated milk at 50 percent o P25.56 naman sa powdered milk.
Binase ng DTI ang pagtapyas sa presyo ng gatas ay dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng imported skimmed milk na siyang pangunahing sangkap dito.
- Latest