Panawagan ni Pope Francis vs corrupt politicians, dapat sundin
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) sa sambayanang Pilipino na sundin ang kahilingan ni Pope Francis na dumalaw sa Pilipinas kamakailan na tanggihan ang lahat ng uri ng korupsiyon.
Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, dapat na pag-isipang mabuti ng mga mamamayan ang idiniin ng Santo Papa na pumili tayo ng mga pulitikong titiyak ng tranpormasyon sa ating lipunan.
Ang 4K na nakabase sa Quezon City ay grupong nagdemanda sa buong Manila City Council sa pagbebenta ng lote ng isang kilalang hotel sa isang kilalang business tycoon nang walang ordinansa at nagbulgar sa isang dating police major sa Antipolo City, Rizal sa land grabbing operation nito.
“Panahon na upang pumili tayo ng mga uri ng lider na kahit nahalal sa mahahalagang tungkulin ay hindi nakisawsaw sa mga pork barrel tulad ng PDAF at DAP at kayang magpatupad ng disiplina lalo sa mga awtoridad, pulisya man o militar,” ani Pineda.
Idinagdag pa ng 4K meron na silang ebidensiya kung sino ang nasa likod ng pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng political operator ng E-Magic (electronic magic) na tumulong upang manalo ang maraming politikong nakaluklok ngayon.
- Latest