^

Police Metro

Kelot patay, 9 malubha

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dedo ang isang binata at siyam na  kasamahan nito ang malubhang nasugatan nang pagbabarilin ng kalaban nilang grupo na kinabibilangan ng  limang kalalakihan at  hinihinalang mga  miyembro ng isang drug syndicate kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Ang biktimang si Jesus Garcia, 22, taga #6654 Taylo St., Barangay Pio Del Pilar ng naturang lungsod ay dead on arrival sa Makati Medical Center dahil sa tinamong ilang tama ng bala sa katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa naturang pagamutan ang mga sugatang biktima na sina Michael Bagang, 32, ng Estrella St., Barangay Bangkal; Jay Sapanta, 28, taga #3906 Macabulos, Barangay Bangkal; Chistopher Yvan, 37, ng #1 Kamalugay St., Barangay Western Bicutan, Taguig City; Jad Jerome, 31, ng Dayap St., Barangay Palanan, Makati City; Mark Joseph Canda, 24, ng MD-7 Room 211, BCDA, Barangay Diego Silang, Taguig City; Arnel Manalansan, 32, ng #6659 Taylo St., Barangay Pio Del Pilar, Makati City; Juan Carlos Zamora, 34; Oliver Agbayani  at Chris Ivan Paulino, 18, pawang ng nasabing lugar. Inaalam na sa ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa  isinumiteng report ni SP02 Nilo Sadsad, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB)  kay Police Sr. Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente alas-12:45 ng madaling araw sa kahabaan ng Taylo St., Barangay Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Habang nag-iinuman ang mga biktima ay biglang dumating ang isang sport utility vehicle (SUV) na walang plaka at sakay ang mga suspek na armado ng baril at walang salitang pinagbabaril ang mga biktima, saka mabilis na nagsitakas. 

Nakuha ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente ang mga bala ng M-16 rifle at kalibre .45 baril.

vuukle comment

ARNEL MANALANSAN

BARANGAY

BARANGAY BANGKAL

BARANGAY DIEGO SILANG

BARANGAY PIO DEL PILAR

MAKATI CITY

TAGUIG CITY

TAYLO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with