^

Police Metro

Multiple murder isinampa vs Iligan City Mayor at 14 pa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng pulisya ng 3 counts ng multiple murder at apat na multiple frustrated murder  si Iligan City Mayor Celso Regencia at 14 iba pa kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa pananambang sa convoy ni Iligan City Lone Congressman Vicente “Varf” ­­Belmonte Jr., na ikinasawi ng 3 katao habang apat pa ang nasugatan noong Disyembre 11 sa Laguindingan, Misamis Oriental noong Disyembre 11, 2014.

Sinabi ni Supt. Gervacio Balmaceda Jr., spokesman ng Northern Mindanao Police ang mga kaso ay isinampa ng Special Investigation Task Group (SITG) Belmonte sa Provincial  Prosecutors Office.

Nabatid na nakaligtas sa ambush si Belmonte na ilang metro lamang ang layo matapos itong lumabas sa paliparan ng bayan ng Laguindingan, Misamis Oriental galing sa Maynila na kung saan ay tatlo  sa mga kasamahan nito  ang nasawi.

Ang pagsasampa ng kaso sa grupo nina Mayor Regencia ay nang ituro ng ilang testigo sa SITG Belmonte na siyang nasa likod ng krimen gayundin sa mga nakuhang ebidensya ng mga imbestigador.

Si Regencia ay nag-anunsyo ng kaniyang planong pagtakbo sa re-election sa Iligan City na makakalaban umano ni Belmonte sa darating na 2016 national elections.

BELMONTE

BELMONTE JR.

DISYEMBRE

GERVACIO BALMACEDA JR.

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY LONE CONGRESSMAN VICENTE

ILIGAN CITY MAYOR CELSO REGENCIA

LAGUINDINGAN

MAYOR REGENCIA

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with