^

Police Metro

Kampo ni Lim hindi na iaapela ang desisyon ng Supreme Court

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na ibasura ang isinampang disqualification case laban sa dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada ay wala nang balak pa ang kampo ni da­ting Manila Mayor Alfredo Lim  na iapela ang  naging desisyon ng Korte Suprema.

Sinabi niAtty. Alicia Risos-Vidal, tanggap na nila ang desisyon ng SC at iginagalang nila ang naging hatol ng mga mahistrado sa kanilang petisyon at ito na rin ang  daan  upang  hindi na magulo ang sitwasyon lalo na ang mga taga Maynila.

Matatandaang sa  botong 11-3, dinismis ng SC ang reklamo sa pagsasabing absolute pardon ang ibinigay ni dating Pangulong Gloria Arroyo kay Estrada dahilan para mabalik ang civil at political rights nito at kilalaning kandidato sa mayoralty race noong 2013.

Binigyan diin naman ni Estrada na kailangan nang kalimutan ang  lahat dahil pulitika lamang ito at mas makabubuting pagtuunan ng pansin ang  taga Maynila.

ALICIA RISOS-VIDAL

BINIGYAN

JOSEPH ESTRADA

KORTE SUPREMA

MANILA MAYOR

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

PANGULONG GLORIA ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with