^

Police Metro

ASG vs. militar: 3 patay 6 sugatan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay  ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang anim ang sugatan nang makasagupa  ng tropa ng pamahalaan ang halos 75 rebelde sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa. 

Sa report ni  Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng AFP Public Affairs Office, dakong alas -11 ng umaga nang unang makasagupa ng Army’s 104th Brigade ang nasa 25 Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno nina Abu Sayyaf Sub-Commander Juhaible Alamsirul alyas Abu Kik sa Brgy. Pamantsaken, Sumisip ng lalawigan kung saan dito nasugatan ang isang alyas “Yusof”.

Agad na tumakas  ang mga bandido patungo sa hilagang direksyon at dakong alas-12:55 ng hapon nang puntiryahin ng sniper fires ng mga bandido ang mga sundalo sa Brgy. Baiwas, Sumisip , Basilan. Dakong ala-1:38 ng hapon naman habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo ay nakasagupa naman ng mga ito ang grupo nina Radzmil Janatul alyas Khubayb at Abu Sayyaf Sub-Leader Juhaibel Alamsirul at 50 nitong tauhan sa Sitio Crossing Baiwas, Brgy. Baiwas , Sumisip ng lalawigan at tumagal ito ng dalawang oras.

Samantala, narekober rin ang isang bomba na gawa sa 40MM, M203 at grenade launcher na itinanim ng mga bandido sa isang lumang gusali sa Brgy. Baiwas na agad namang nai-detonate. (Joy Cantos)

ABU KIK

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB-COMMANDER JUHAIBLE ALAMSIRUL

ABU SAYYAF SUB-LEADER JUHAIBEL ALAMSIRUL

BAIWAS

BASILAN

BRGY

HAROLD CABUNOC

SUMISIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with